Ano ang love, sex at iba pang hot issues sa kakaibang show na Double Tap: Millennial Monologues for the evolved

  millennials1.jpg millennials10.jpg millennials11.jpg millennials12.jpg millennials13.jpg millennials14.jpg millennials3.jpg millennials4.jpg millennials5.jpg millennials6.jpg millennials7.jpg millennials8.jpg millennials9.jpg

Ano ba ang nasa kalooban ng mga millennials o yuong mga kabataang ipinanganak noong 1980s sa iba’t ibang aspeto ng buhay na nakakaapekto sa kanila kagaya ng love, hate, sex, gender at iba pang mga hot issues kung saan may mga hugot ito sa kanilang mga puso at isipan.

Ito ang sasagutin ng isang naiibang monologue show na pinamagatang “Double Tap: Millennial Monolgues for the evolved” na hatid ng Karibok Collective, isang “experimental and multimedia performing arts group” na binubuo ng mga kabataang Batagueno. Ayon sa managing director nito na si Peregrine Santiago. Una niilang naging production ang “Nang Lumabnaw ang Lomi” na nagclicked sa audience kayat nagkaroon pa ng mga extended shows.

Naiiba ang show na ito sa approach ng self-expression at bibigyan nito ng definition kung sino ang mga millennials ngayon at ano ang kanilang mga pananaw sa buhay. Ito ay ”fueled by creativity and the drive to take the pop-culture of Batangas to greater heights…,” sabi ni Santiago.

Nagkaroon ng Preview Night ng nasaabing show noong June 4, sa The Hives, Brgy. Pallocan West.

Mapapanood ang full show ng Double Tap sa June 17, June 24, at July 1, 5:00 ng hapon sa The Hive (dating Euphoria Bar and Resto). Maaring makipag ugnayan sa kanilang facebook page o mag text sa 0917 559 4192. (PIO Batangas City)