TINGNI: May 146 traffic enforcers ang TDRO ang naka-deploy sa ibat-ibang strategic locations sa lungsod

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: May 146 traffic enforcers ang Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) na naka-deploy sa ibat-ibang strategic locations sa lungsod sa araw at gabi mula Lunes hanggang Byernes maging tuwing Sabado at Linggo.

Ayon sa Traffic Operations and Maintenance Section Chief ng nabanggit na tanggapan na si Cris Mark Banaag, nagdagdag sila ng mga bagong enforcers upang lubos na masiguro ang kaayusan at kaligtasan sa daan.

Ang mga bagong enforcers ay sumailalim sa seminar hinggil sa pangangasiwa ng daloy ng trapiko, pagpapatupad mga batas at ordinansa kaugnay nito gayundin ang tamang paraan ng pag-apprehend sa mga traffic violators.

Ito din aniya ay bilang paghahanda sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa pagbubukas ng klase ng mga pampublikong paaralan sa August 29 .
Bukod sa paglalagay ng mga signages, nagsagawa din aniya sila ng clearing operations upang tanggalin ang mga obstructions sa kalye malapit sa mga paaralan.

Ipinabatid din niya na makailang beses na din silang nakapagbigay ng Basic Life Support Training sa kanilang mga traffic aide/enforcers kung kayat nakakaresponde at nakakapagbigay na ang mga ito ng pangunahing lunas sa mga emergency situations.

Samantala, bukod sa mga inilagay na tents sa barangay Poblacion 2 at Alangilan na nagsisilbing loading areas ng mga pasahero na malaking tulong sa maayos na daloy ng trapiko partikular sa rush hour, plano din ng nabanggit na tanggapan na maglagay ng kargdagang tents sa University of Batangas sa Hilltop at sa Lion’s marker sa barangay Kumintang. (PIO Batangas City)