TINGNI : Isang thanksgiving program ang idinaos ng Soroptimist International Batangas Premier (SIBP)

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI : Isang thanksgiving program ang idinaos ng Soroptimist International Batangas Premier (SIBP) bilang pagdiriwang ng kanilang ikasampung taong anibersaryo noong August 22.

Ginawaran ng grupo ng certificate of appreciation ang mga tanggapan ng pamahalaang lungsod at iba pang ahensya na naging katuwang nila sa pagpapatupad ng kanilang mga programa at paghahatid ng serbisyo sa mga kababaihan.

Ayon kay SIBP President Loida Rhodora Mayo, minabuti nila na kilalanin at bigyang pagpapahalaga ang suporta ng kanilang mga partners.
Magugunita na kamakailan ay na-accredit ang kanilang samahan bilang LGU- recognized CSO.

Binigyang diin niya na sila ay katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at isa sa mga tagapag-ugnay sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga serbisyong kanilang ipinagkakaloob.

Ilan sa mga programa ng SIBP ay ang scholarship, skills training, mentoring, women protection and defense against abuse.

Kabilang sa mga ginawaran ng certificate of appreciation ang City Health Office (CHO), Public Employment and Service Office (PESO), City Civil Registrar (CRO), Red Cross Batangas Chapter, Batangas City Police Station (BCPS) at ilang mga barangay sa lungsod.

Tampok din sa naturang okasyon ang testimonya si Hannah Escuto na isa sa mga iskolar ng SIBP kung saan isinalaysay niya ang naging tulong ng grupo sa kanyang pag-aaral at pagpapa-unlad ng kanyang kakayahan.

Siya ngayon ay nasa huling taon ng kanyang pag-aaral sa kursong Bachelor of Technology in Livelihood Education (BTLED) sa Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB). (PIO Batangas City)