World Milk Day ipagdiriwang

  1.png 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Bilang pagdiriwang ng World Milk Day, inilunsad ng Milo Philippines sa pakikipag-ugnayan sa Department of Education at sa Philippine Jump Rope Association (PJRA) ang 10million skips challenge na isasagawa ngayong buwan ng Hunyo.

Layunin ng nasabing gawain na ipakilala ang jump rope bilang sports. Isasama na ito sa DepEd Curriculum kung kayat tuturuan ng samahan ang mga MAPE Teachers ng tamang pamamaraan ng pagja-jumping rope gayundin ang mga techniques na kanilang magagamit sa pagtuturo sa school year 2021-2022.

Kaugnay nito, namahagi ang Milo ng 1200 jumping ropes sa mga guro, estudyanteng edad pitong gulang pataas ng mga pampublikong paaralan, mga SK chairman gayundin sa mga myembro ng grupong Lukso Ala Eh.

“Jump rope is a fun activity for kids that can be done anywhere and it can help improve motor skills and promote good mood”, sabi ni Milo Sports Regional Coordinator Mags Sechong.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa selebrasyon ng Milo World Milk Day with 10M skips sa pamamagitan ng pagshare ng photo or video na nagja- jumping rope kung saan nakalagay ang number of skips na nagawa at ang hashtags na #MILO10Mskips at #WorldMilkDay #LuksoAla-Eh. (PIO Batangas City)