Batangas City tumanggap ng 2019 CALABARZON Champion Award

  1.jpg

BATANGAS CITY- Tumanggap ng Calabarzon Champion Award ang Batangas City mula sa Regional Development Council Region IV-A sa pagbibigay ng karangalan sa Calabarzon Region bilang 3rd Place sa Economic Dynamism sa 146 na component cities sa buong bansa sa CY 2019 Cities and Municipalities Competitiveness Index sa 7th Regional Competitiveness Summit na idinaos noong October 24, 2019 sa Philippine International Convention Center , Pasay City.

Ang award ay ipinagkaloob noong December 18, 2019 sa NEDA Region 1V-A, Barangay Milagrosa, Calamba City.

Ayon kay City Planning and Development Coordinator Januario Godoy, ang Regional Development Council CALABARZON Region ang “highest planning and policy making council sa Calabarzon Region, na binubuo ng limang provincial governors, 18 city mayors, bureau of directors at heads ng national government agencies sa Southern Tagalog Region at mga sectoral representatives o NGOs.”

Ang Department of Trade and Industry (DTI) – Competitiveness Bureau ay nag gagawad ng annual competitiveness awards sa mga local government units upang mahikayat silang mapaayos pa ang government efficiency at productivity upang higit na makaakit ng mga investors na magdudulot ng ibayong local economic development at mag ge generate ng higit pang trabaho..

Magkasamang tinanggap nina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Marino ang award pagkatapos ng flag- raising ceremony ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod sa Amphitheatre ng Plaza Mabini, (PIO Batangas City)