Mass oath taking ng barangay at SK officials ginanap

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nag mass oath taking ang mahigit sa 2,500 barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials ng Batangas City sa harap ni Mayor Beverley Dimacuha noong June 29 sa Convention Center.

Binati ni Mayor Dimacuha ang mga opisyales na aniya ay kinakitaan ng leadership qualities ng kanilang mga ka-barangay. Pinaalalahanan din niya ang mga ito na dapat maging mabuting halimbawa sa kanilang barangay, mababa ang loob, magsilbi ng tapat, may malasakit at pagmamahal.

Sinabi rin ni Mayor Dimacuha na natutunan niya sa kanyang ama, dating Mayor Eddie Dimacuha, na ang isang lider ay siyang nagsisilbi, at hindi siya ang pinagsisilbihan. Dumalo rin sa okasyon sina Congressman Marvey Mariño, Bokal Bart Blanco, Bokal Claudette Ambida at mga city councilors.

Dahil ang buwan ng Hulyo ay National Disaster Resilience Month, nagbigay si Mayor Dimacuha ng disaster kit at 20x20 ft na tent sa bawat isang barangay.

Sa panimula ng panunungkulan ng mga barangay chairmen, kabilang sa mahahalagang responsibilidad na dapat nilang gampanan ay ang aktibong pagbubuo kung wala pa at pangangasiwa ng barangay disaster risk reduction and management council, barangay nutrition committee, barangay anti drug abuse council at ang solid waste management ng barangay kung saan bahagi nito ang pagtatayo ng Materials Recovery Facility alinsunod sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.(PIO Batangas City)