- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Talk and Text nanalo sa Ginebra sa laro sa Batangas City (3)
- Details
- Thursday, 05 October 2017 - 2:42:00 PM
Dinumog ng libo-libong basketball fans ang Batangas City Sports Coliseum sa Game 2 ng semifinal match sa pagitan ng Barangay Ginebra San Miguel at ng winner na Talk and Text Tropang Texters sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Governor’s Cup nitong ika- 4 ng Oktubre.
Hindi magkamayaw ang mga tagahanga ng bawat koponan sa pagsigaw at pagsuporta sa kanilang mga basketball heroes sa pangunguna ni GSM point guard LA Tenorio, na tubong Nasugbu, Batangas kung kayat nagsilbing homecoming ang naturang laro.
Naging dikit ang mga unang minuto ng labanan sa pagpapalitan ng buslo nina Ginebra import Justin Brownlee at Asia’s Best Point guard, Jayson Castro ng TNT. Subalit sa kalaghatian ng 1st quarter, nagsimula nang lumaki ang lamang ng TNT at nagtapos sa score na 31-14.
Rumatsada naman ang GSM sa 2nd quarter kung saan nagawa nilang idikit ang laban sa score na 49-47.
Pagsapit ng ikatlong quarter, halos magkagulo ang buong coliseum ng lumamang na ang Ginebra sa score na 51-50. Subalit sa pamamagitan ng solid plays, magandang teamwork ng TNT, natapos ang 3rd period sa score na 76-69 pabor sa Katropa.
Hindi na pinabayaan ng TNT na mawala ang kanilang momentum at tinapos ang Ginebra sa final score na 103-96. Sa panalong ito ng Tropang Texters nagawa nilang itabla ang serye sa 1-1.
Pinangunahan ni Brownlee ang Ginebra sa kaniyang game-high na 25 points, samantalang si Glen Rice Jr. naman ang nanguna sa TNT sa kaniyang 21 puntos. Solidong suporta ang nakuha ni Rice mula kay Castro sa kaniyang isinumiteng 20 points, samantalang si Tenorio ang nanguna sa locals ng GSM sa kaniyang 17 puntos.
Nagpasalamat naman si PBA Commissioner Chito Narvasa sa mainit na pagtanggap ng mga Batangenyo sa Philippine Basketball Association. Aniya, lahat ng laro ng PBA sa Batangas City ay sold out at talagang sinusubaybayan ng mga taga-lungsod at probinsiya.
“Isa itong Batangas City sa paborito naming puntahan. Bukod sa mababait at disiplinado ang mga fans, malawak din ang kaalaman nila sa larong basketball. Hindi lamang kung paano ito nilalaro, kundi kung paano ito nilalaro scientifically. Kaya gusto ko i-congratulate at pasalamatan si Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa patuloy na pagsuporta ng Batangas City sa PBA,” ani Narvasa.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.