Mga Barangay Officials, sumailalim sa GAD Training

  GAD1.jpg GAD2.jpg GAD3.jpg GAD4.jpg GAD5.jpg

Tinalakay ang papel na dapat gampanan ng isang lalake sa paghubog ng isang maayos na pamilya sa seminar na Men’s Responsibilities in Gender and Development(MR. GAD) na idinaos ng Commission on Population Region !V sa Libjo, Batangas City kung saan ito ay dinaluhan ng mga barangay captains.

Ayon kay Harold David, Information Officer ng Commission on Population, layunin ng MR GAD na ma-empower ang mga kalalakihan at maging advocate ang mga ito ng Gender and Development.

Taong 2009 nang simulan ang naturang proyekto sa Tanay, Rizal saan lahat ng barangay ay may MR GAD desk. Ito ang counterpart ng Violence Against Women and Children(VAWC) desk na naglalayong mabawasan ang karahasan laban sa mga kababaihan.

Sa pamamagitan naman ng Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon o KATROPA na isa sa mga makabagong stratehiyang ipinatutupad sa ilalim ng MR GAD, inaasahan na magiging aware ang mga mister sa papel nila bilang ama at asawa. Malalamandin nila ang kanilang papel sa family planning, kung papaano mapapaganda ang kanilang samahan at kung papaano matutugunan ang unmet needs ng kanilang kabiyak upang magkaroon ng malusog na pamilya. (PIO Batangas City)