Bagong Postal ID may security features

1.jpg 2.jpg

BATANGAS CITY- Simula pa noong May 6, tumatanggap na ng application para sa bagong Postal identification card ang Philippine Postal Corporation (PhilPost) sa Batangas City kung saan ang ID ay may security features at pwedeng gamitin sa iba’t ibang transaksyon.


Ayon kay Joana Myrene Alido-Atienza, area marketing specialist ng PhilPost, mas marami ng feautures ang bagong Postal ID. “Kumpara sa dating ID na gawa lamang sa cardboard at laminated sa plastik kaya madaling pekein, ang upgraded version nito ay gawa sa PVC plastic card at may kalakip pang digital security. Ito ay may electronic security features tulad ng finger prints, centralized ID printing at encrypted quick response (QR)code. Ang QR code na ito ang magbe verify upang masiguro na authentic ang ID at ang taong nagke-claim niyon ay siya talaga.

Kagaya ng ATM at UMID ID card, mahirap aniya itong pekein dahil may QR code ito, may android application para maberipika kung peke ang QR code o hindi, may magnetic strip katulad sa mga credit card, holographic security image at iba pang security features. May biometric data rin ito at ang impormasyon ay nasa isang data base.

Dati, ang lumang Postal ID ay ginagamit lang sa pagkuha ng mga sulat at package na pinadala sa koreo. Ngayon, isa na ito sa anim na government ID na tinatanggap sa ibat-ibang transaksiyon. Pwede itong gamitin sa pagkuha ng passport, sa mga transaksyon sa bangko, hospital, port at iba pang tanggapan. Ito ay nagkakahalaga ng P504.00.

Para sa isang kliyente “ isa sa pinaka-available at accessible na ID ang postal ID kung may balak na mangibang bansa upang makapaghanapbuhay. Hindi na kailangang magsumite ng iba pang sertipikasyon at katunayan ng kwalipikasyon tulad ng employment upang makakuha ng postal ID.” Ang mga lumang postal ID ay maaari pa ring magamit hanggang sa itinakdang petsa ng validity nito. PIO Batangas City

 

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.