Batang Makakalikasan search nakalikom ng P1.9M

Nakalikom ng halagang P 1.9 milyon ang mga daycare children ng 106 Day Care Centers sa Batangas City sa isinagawang Search for Batang Maka Kalikasan 2019, November 28, sa Event Center ng SM City Batangas. Ito ay isang fund-raising activity kung saan nagpapadamihan ang mga bata sa naiibentang recyclable wastes upang sa murang edad ay matuto sila sa tamang pangangasiwa ng basura.

 

 

Read more...

Regular monitoring ng solid waste management sa Solid Baybay Barangay tagumpay

Sa loob ng isang taon ng monitoring ng KA-BRAD Team Solid Baybay cluster coordinators sa ecological solid waste management ng 19 na coastal barangay, matagumpay na nakamtan ng grupo ang layunin nitong 80% ng mga households sa bawat barangay ang tumupad sa waste segregation, plastic ban, pagkakaroon ng isang functional na Materials Recovery Facility (MRF) at compost pit at 40% na kabawasan sa basura sa 13 coastal at 6 na island barangay ng Batangas City.

 

 

Read more...

City Library ipinagdiwang ang National Book Week

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Book Week at Library and Information Services Month ngayong Nobyembre, nagsagawa ang City Library and Information Center ng mga gawaing nag eenganyo sa lahat partikular sa mga bata na magbasa upang mapalawak ang kaalaman.

 

 

Read more...

Walter Mart sa Batangas City binuksan na

BATANGAS CITY-Dala ng Walter Mart ang “one-stop, family and fun- shopping experience for the whole family” sa Batangas City sa pagbubukas nito, November 26, sa barangay Calicanto.

Pinangunahan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang ribbon cutting ng ika-31 branch ng Walter Mart sa bansa at amg ikaapat sa lalawigan kasama ang iba pang local officials at top executives ng mall.

 

 

Read more...

40 magsasaka nakinabang sa Cattle Fattening Project

May 40 magsasaka ang tumanggap ng cattle fattening projects mula sa pamahalaang .lungsod ng Batangas sa pangangasiwa ng City Planning and Development Office.

Ang mga ito ang ikalawang batch ng mga project recipients kasunod ang unang batch ng may 100 beneficiaries noong Marso ng taong ito.

 

Read more...