Batangas City, host ng Provincial Labor Day Job Fair

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagsilbing host city ang lungsod ng Provincial Labor Day Job Fair na isinagawa sa Batangas City Sports Coliseum ngayong araw, May 1.

Ito ay may titulong "Handog ni Mayor Beverley Dimacuha: Trabaho para sa mga Batangueno na pinamahalaan ng Public Employment Service Office (PESO) Bstangas City, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) at TESDA Batangas.

Ayon kay PESO Manager Noel Silang, may 5,000 solicited job vacancies mula sa 42 local companies ang lumahok dito.

Ito ay bukas sa lahat ng job seekers maging sa mga taga ibang bayan at lalawigan.

Bukod sa mga job employment opportunities, nagbigay din ang TESDA ng skills training para sa bread and pastry baking, hydroponics farming, coffee barista at PV system installation.

"Hangad ni Mayor na magkaroon ng livelihood skills ang mga hindi papalaring matanggap sa trabaho upang magkaroon sila ng pagkakitaan at magkaroon ng self employment at self improvement", sabi ni Silang.

Idinagdag din niya na kung interesado ang mga participants ay maaaring magbukas ng klase ang TESDA para sa tuloy tuloy na pagsasanay, at magabayan para makapag-umpisa ng negosyo.

Naging bahagi rin ng jobfair ang isang audio visual presentation ukol sa mga labor laws, partikular ay ang minimum daily wage at mga benepisyo ng mga mangagawa.

Dumalo dito ang mga Provincial Director ng DOLE na si Predelma Tan; TESDA Dorie Gutierrez; at PESO na si JR Castillo.

Nakiisa rin dito ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng PhilHealth, BIR, PAG-IBIG, Batangas City PNP at iba pa.

Nakaantabay naman ang first aid team ng City Health Office (CHO).