City Library ipinagdiwang ang National Book Week

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Book Week at Library and Information Services Month ngayong Nobyembre, nagsagawa ang City Library and Information Center ng mga gawaing nag eenganyo sa lahat partikular sa mga bata na magbasa upang mapalawak ang kaalaman..

May 105 mag-aaral ng EBD Child Development Center (EBD CDC) ang naging parte ng programa na may temang “Inclusive. Innovative. Interconnected” kung saan itinampok dito ang mga puppet show at storytelling (solo at tandem) na pinangunahan ng mga empleyado ng City Library, na hinasa sa pagdideclaim at pagkukwento noong nakaraang Setyembre.

Sinabi ni City Librarian Mila Silang na “ang pampublikong aklatan ay may layunin na makapag bigay ng serbisyong informational, cultural at recreational para sa lahat ng mamamayan sa Lungsod ng Batangas.”

On-going ngayon ang proyektong Magkape at Magbasa sa Plaza Mabini kung saan pwedeng uminom ng libreng kape at pwedeng mamimili ng babasahin gaya ng dyaryo, magasin at pamphlets mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Ito ay hanggang ika-31 ng Disyembre.

Nagkaroon din ng outreach program sa Gawad Kalinga village noong Nobyembre 25 kung saan naghandog ang City Library ng libro sa 105 na bata sa Brgy. San Jose Sico.

Labis ang pagpapasalamat ni Silang sa suporta ni Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Marino na nagkaloob ng mga puppets at libro galing sa donors ng iba’t ibang government agencies at private sector mula sa Manila at National Library of the Philippines. (PIO Batangas City)