Batang Makakalikasan search nakalikom ng P1.9M

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nakalikom ng halagang P 1.9 milyon ang mga daycare children ng 106 Day Care Centers sa Batangas City sa isinagawang Search for Batang Maka Kalikasan 2019, November 28, sa Event Center ng SM City Batangas. Ito ay isang fund-raising activity kung saan nagpapadamihan ang mga bata sa naiibentang recyclable wastes upang sa murang edad ay matuto sila sa tamang pangangasiwa ng basura.

Ito ay taunang programa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) bilang bahagi ng pakikiisa ng lungsod sa pagdiriwang ng National Steering Committee on Child Rights Advocacy ng 27th National Children’s Month tuwing Nobyembre.

Nagpatalbugan din ang mga bata sa kanilang mga kasuotan na yari sa mga indigenous materials. Nakalikom ng pinakamalaking pondo sa Zero Waste Management sa halagang P62,000 ang Barangay Kumintang Ilaya na kinatawan nina Jed Josiah Dinglasan at Princess Joy Melo.

Ginawaran ng parangal bilang Most Indigenous sina King Spade Cruzat at Aizlie Veonzy Ramirez ng Talumpok West Day Care Center. Ang kanilang kasuotan ay yari sa sinamay na may dekorasyong niyog, monggo at corn kernels.

Pumili rin ng winners sa Most Elegant Costume, Most Simple Costume , at Most Charming Pair. (PIO Batangas City)