P2B proposed budget ng Batangas City for 2019 inaprubahan ng SP

  1.jpg

Inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod, October 17, ang P2 billion- Proposed Annual Budget (Local Expenditure Program) of the City Government of Batangas for Calendar Year 2019. May pinakamalaking budget ang Office of the Mayor na nakakuha ng P823.5 million para sa personnel services, maintenance and other operating expenses, capital outlay, financial expense at program projects. May 13 na divisions sa Office of the Mayor. Ang sunod na may pinakamataas na budget ay ang City Health Office-P142.2 million, Office of the General Services-P93.4 million, Office of the City Engineer-P91million at Office of the Sangguniang Panlungsod-P72 million.

Nakasaad rin dito ang Special Purpose Appropriation kung saan nakalagay ang subsidies sa national government at non government organizations/people’s organizations; aid sa barangay,Boy Scout at Liga ng Barangay; loans/interest payable, Gender Development P:rogram, LDRRMF at 20% Development Fund na may kabuuang budget na P444.2 million.

Sinabi ni Konsehal Serge Atienza, chairman ng Committe on Appropriations, na maituturing na “historic” ang pagkakapasa ng naturang ordinansa sapagkat halos isang aaraw at kalahati lamang nila ito tinalakay sa committee hearing. Kumpleto rin aniya ang mga konsehal at mga ahensiyang may kinalaman sa annual budget.

“Masasabi ko pong efficient ang ating annual budget sapagkat bukod sa kumpleto ang mga konsehales at department heads, naging napakabilis ng naging proseso. Wala ring grand standing na nangyari sapagkat lahat ng mga naging katanungan at suhestyon ay para sa ikagaganda ng ordinansa. Ito po ang resulta kung iisa ang layunin ng bawat isa, ang mapaganda ang serbisyo para sa mga mamamayan ng Batangas,” sabi niya.

Ayon pa rin kay Atienza, naipaliwanag ng maayos at malinaw ng mga concerned offices at departments ang tungkol sa annual budget. Kumpleto rin ang mga dokumento at records na kanilang isinumite bago pa man ang hearing. (PIO Batangas City)