20 scholars sasanayin ng DICT sa online job

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

May 20 residente ng Batangas City ang napiling maging scholars ng Rural Impact Sourcing Technical Training (RISTT) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga walang trabaho, underemployed o gustong maging freelancers na magkaroon ng online jobs na pwedeng gawin kahit nasa bahay.

Ayon sa DICT, ang programa ay ipinatutupad upang makapag create ng “meaningful ICT-enabled jobs in socio economically-disadvantaged areas.”

Ang mga scholars ay magsasanay sa Social Media Marketing and Advertising na kumbinasyon ng hands on at internet-based training sa loob ng walong sessions na tatagal ng halos isang buwan. Pagkatapos nito ay ang rollout phase kung saan sila ay imo monitor ng DICT kung sila ay nakakuha ng online jobs at kung maayos nila itong napapakinabangan.

Sa opening ceremonies ng proyekto, October 17, sa Colegio ng Lungsod ng Batangas, sinabi ni DICT Luzon Cluster 2 Assistant Regional Director . Petronilo Villafuerte na hangad ng kanilang tanggapan na ma promote ang “ online freelancing solution to unemployment.”

Nais nilang matulungan ang mga underpaid, undergraduate, out of school youth, persons with disabilities, housewives at maging mga senior citizens na magkaroon ng online employment.

Ang Batangas City ang unang lungsod sa lalawigan na napili ng DICT na pagkalooban ng naturang programa.

Ipinaabot ni Local Economic and Investments Promotion (LEIP) Officer Erick Sanohan ang kanyang pagbati sa mga scholars at ang pasasalamat sa DICT sa pagkakapili sa lungsod upang maging recipient ng RISTT. Ang mga scholars ay sumailalim sa screening, examination at series of interviews na ginawa ng ilang personnel ng LEIPO at Information Technology Division ng pamahalaang lungsod at ng DICT.

Ang training ay magsisimula sa October 19 sa CLB at sa susunod ay sa DICT office sa Capitollo.

Isa si Tyrone Reyes, 31, mula sa Barangay 3 sa mga nakapasa bilang scholar. Nagtapos siya ng Associate in Nursing sa University of Batangas.

“Excited na ako sa training at sobrang thankful na may ganitong proyekto ang ating lokal na

Kailangan maipasa ng mga trainees ang mga course requirements tulad ng quiz, seatwork at practical tests. Dapat din nilang matapos ang buong kurso sapagkat kung hindi ay sila ang magbabayad sa halagang P20,600 kayat mahalaga ang kanilang commitment na makatapos sa pagsasanay na ito.

Magsisilbing trainors sina Alvin John Ferias ng DICT at Edriel Miranda na Digital PH focal person. (PIO Batangas City)