Mountain bike champion pinarangalan

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Binigyan ng Gawad Pagkilala ng pamahalaang lungsod ng Batangas si Marlen Marasigan na nanalong national champion sa Batang Pinoy 2018 Mountain Bike Challenge sa Baguio City noong September 15-21 sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission.

Siya ay 15 taong gulang at grade 9 student ng Westmead Academy of Science and Technology Foundation Inc. Nakakuha siya ng gold medal sa Mountain Bike Cross Country Olympic at isa pang gold sa Mountain Bike Downhill category.

May 152 local government units (LGUs) ang lumahok dito kung saan si Marasigan lamang ang tanging kinatawan ng lungsod na naging pampito sa mga LGUs na nakakuha ng medals.

Ayon sa ama ni Marlen na si Aldrin Marasigan na nagsilbing coach niya sa contest, bata pa lamang ang kanyang anak ay kasa kasama na niya ito sa pagba bike. Hindi lamang ito nagsilbing bonding time sa mag-ama kundi naging daan upang madevelop ang galing at pagmamahal ni Marlen sa biking. PIO Batangas City