Barangay at SK officials sumailalim ng orientation seminar sa mga health programs

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

BATANGAS CITY- Isinagawa ng City Health Office (CHO) ang orientation seminar at updates tungkol sa ibat-ibang health programs ng lungsod kung saan ito ay dnaluhan ng mga barangay at Sangguniang Kabataan officials kasama ang mga kinatawan na nangangasiwa ng barangay health programs sa Batangas City Convention Center noong September 20-21, 2018.

Layunin nito na maipaalam sa mga barangay ang mga programa at serbisyong pangkalusugan upang ito ay kanilang mapakinabangan o maipatupad sa kanilang lugar.

Ayon kay City Health Officer Rosanna Barrion, “minabuti namin na magkaroon ng ganitong pagpupulong kaso meron nga tayong mga bagong halal na mga barangay opisyal, kasama na dito ang SK officials at yuong mga datihan ng pangulo para naman mabigyan sila ng updates kung ano na ba ang estado ng kalusugan ng mga tao sa kanilang mga barangay.” Sinabi pa niya na mas maigi na mabigyan sila ng overview ng mga programang ito para alam nila kung paano nila ito ipapatupad.

Idinagdag pa niya na dapat ay may partnership ang city government at ang mga barangay upang malaman ang status ng kalusugan ng mga residente sa kanikanilang lugar at kung ano ang pwede nilang ibahagi upang matugunan ang kaniang mga problemang pangkalusugan . Ang dengue halimbawa ay isa sa mga dapat tutukan upang mabawasan ang mga kaso nito sa lungsod, ganun din ang HIV at tuberculosis. (PIO Batangas City) )