Batangas City athletes sa Palarong Pambansa 2018 nag-uwi ng medalya

  1.jpg 2.jpg

BATANGAS CITY-Tatlong atleta mula sa Batangas City ang nakapag uwi ng isang gold, dalawang silver at tatlong bronze sa Palarong Pambansa na ginanap noong April 15-21 sa Vigan Ilocos Sur.

Naiuwi ni Hugh Antonio Parto,12, at estudyante ng Saint Bridget College(SBC) ang gold sa swimming para sa 4x50 medley relay at dalawang silver sa 100-meter butterfly at 4x50 free style relay at isang bronze para 50- meter butter fly relay. Ito ang kanyang ikalawang sinalihang competisyon. Nakuha naman ni Leeya Beatriz Marbella, 16, at estudyante rin ng SBC ang dalawang bronze medals para sa 4x50 medley relay swimming.

Isang bronze naman ang nakamit ni Antonio Miguel Pascual, 12, ng Batangas State University para sa basketball kung saan siya ang kumatawan sa Batangas Province sa Calabarzon basketball team.

Ayon kay Nicolas Asi, education program supervisor, in-charge of sports ng Dep Ed Batangas City, nais ng kanilang departamento na hasain ang mga batang mag-aaral sa kanilang galing sa ibat-ibang sports. Hinimok din niya ang mga atleta na patuloy na magpakita ng kagandahang asal at hasain ang kanilang talino at talento. (PIO Batangas City)