Dredging ng Calumpang River isasagawa dahilan sa heavy siltation

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

BATANGAS CITY-Iniulat ni City Engineer Adela Hernandez na nagpapagawa ng program of work si Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa City Engineer’s Office para sa dredging ng Calumpang River dahilan sa heavy siltation nito na delikadong magdulot na malubhang pagbaha kung magkaroon ng matagal at malakas na pagbuhos ng ulan.

Sa kanyang accomplishment report ng kanilang Committe on Disaster Prevention and Mitigation sa first quarterly City Disaster Risk Reduction and Management Council Multi-Stakeholder Dialogue with Risk and Vulnerability Assessment, sinabi ni Hernandez na grabe na ang siltation o pagkapal ng putik at dumi ng 20-kilometer Calumpang River kung kayat pagdating ng isang malakas na bagyo ay pwede itong mag overflow at magdulot ng malubhang pagbaha.

Ayon kay Secretary to the Mayor Victor Reginald Dimacuha, malaking halaga ang magagastos sa dredging project na ito kung kayat hihingi ng financial assistance si Congressman Marino sa concerned national government agency para sa proyektong ito.

Iminungkahi naman ng hepe ng City Environment and Natural Resources Office na si Oliver Gonzales na isama sa dredging o paghuhukay ang Maruja River mula sa barangay Cuta Duluhan hanggang Malitam at Wawa at ang wetlands sa Calicanto at Sta. Clara.

Nanawagan din si Hernandez sa mga tao na iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga drainage canal sapagkat ang pagbabara nito sa mga kanal ang isang dahilan ng pagbaha.

Ibinahagi naman ni Atty. Dimacuha na may instruction si Mayor Beverley na bago magsimula ang meeting sa mga government offices ay bigyan ng kaalaman ang mga attendees sa mga exit points ng gusali upang maging handa sa anumang kalamidad o emergency. Nais din aniya ng Mayor na laging isaalangalang ang health, safety, security at environment para sa kapakanan ng mga mamamayan.( PIO Batangas City)