Mga kabataan at iba pa lumahok sa fun run at sayaw ng BFP

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

BATANGAS CITY- Nagdaos ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng Takbo at Sayaw Laban sa Sunog noong March 10 sa SM Parking Lot kung saan lumahok ang mga runners mula sa ibat’t ibang munisipyo, fire stations, business establishments, at paaralan.

Ito ay bahagi ng fire safety awareness campaign ng BFP sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong Marso sa temang “Ligtas na Pilipinas ang ating Ipatupad, Pag-iingat sa Sunog ay sa Sarili Ipatupad”.

Ayon kay Fire Marshall Glenn Salazar, nakatakda rin silang magsagawa ng earthquake drill at seminars tungkol sa fire safety. Binigyang diin niya na ang kamulatan sa kaligtasan sa sunog ay dapat na magsimula sa tahanan kung saan ang mga anak ay dapat turuan sa murang edad sa pag-iwas sa sunog.

Ang mga kampeon sa fun run ay ang mga sumusunod: Male category- Raffy Calao ng Wolf Pack Gym; Female category- Angel Josmillo ng Cuenca; Teen Male Category, Modrick Guyong ng Calaca; Female Teen category- Justine Caringal; Kid’s category- Luke Salas ng Sto Tomas.

Pagkatapos ng marathon ay nagkaroon ng zumba- cool- down exercise ang mga runners at staff ng BFP kasama ang mga sponsor mascots. (PIO Batangas City)