Dalawang trucks nagbanggaan sa Libjo

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 36.jpg 37.jpg 38.jpg 39.jpg 4.jpg 40.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Dalawang tanker trucks ang nagbanggaan sa barangay Libjo D' Hope bandang 4:15 kaninang madaling araw.

Natumba ang isang truck na may lamang 20,000 liters ng diesel at tumagas sa kalsada hanggang sa kanal ang 10,000 liters. Hindi naman nasaktan ang driver nito. Napag-alaman na ang truck na papunta na ng Manila ay pag-aari ng NPIJJV Transport Inc.

Nagtamo naman ng sugat ang driver ng pangalawang truck at dinala sa ospital. Ang truck ay papuntang Shell Refinery upang kumuha ng produkto. Iniimbistigahan pa ng Batangas City Police kung sino ang may kasalanan sa nangyaring aksidente.

Ayon kay Fire Marshal. Glen Salazar agad nilang nilagyan ng lupa ang kalsada upang huwag magkaroon ng fumes Nagsasagawa sila ngayon ng flushing ng kalsada at draining ng truck ng diesel.

Naghahanda na ang mga crew ngayon upang maitindig ang natumbang truck.

Narito na rin ang Meralco crew at naglagay ng insulators sa mga high-tension wires.

Hanggang ngayon ay hindi pa passable ang kalsada kayat marami ang taong naglalakad.

Nakita rito sina Konsehal Armando Lazarte, Nelson Chavez at Oliver Macatangay na tumulong sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko at pangangasiwa sa kaligtasan ng mga tao.

Nagpadala naman ang pamahalaang lungsod ng mga sasakyan upang makapaghatid ng mga tao palabas at papasok ng barangay.Nagbigay din ng libreng sakay ang Batangas Blades at Triskelion na mga samahan ng mga motorcycle drivers.

Inaasahan na matatapos ng ang clean-up operation mamayang hapon. (PIO Batangas City)