Illegal fishing nakakasira sa marine protected areas sa Isla Verde

  1.jpg 2.jpg

Patuloy na nakakasira ang illegal fishing gamit ang air compressor sa mga marine protected areas (MPA) sa Isla Verde, Batangas City dahilan sa weak enforcement.

Ang Isla Verde Passage na itinuturing na “center of the center of world’s marine biodiversity” ay isa sa mga top diving sites na nagbibigay ng income sa mga barangay sa nasabing isla.

Noong February 23-24 nagkaroon ng MPA planning workshop at assembly meeting ang mga officers at members ng Verde Island Sanctuary Management Board(VISMB) upang i update ang MPA plan at talakayin ang mga issues tungkol sa enforcement.

Ayon kay Oliver Gonzales, hepe ng City ENRO, kailangang repasuhin ang MPA plan upang magkaroon ng mahusay na pangangasiwa ng karagatan.

Ang VISMB ay binubuo ng chairman, Committee on Environment, Sangguniang Panlungsod, pangulo ng San Agustin Silangan, San Andres at San Antonio, at mga heads ng mga government agencies kagaya ng City Enro na siyang tumatayang secretariat, PNP, PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard, Local Economic Investment Promotion Office(LEIPO), Public Information Office, Office of the City Veterinary and Agricultural ServicesOCVAS) , Department of Education, City Planning and Development Office, all BARMC chairmen of Verde Island, Resort Operators at Malampaya Foundation, Inc.

Napagusapan dito na dapat maging aktibo ang VISMB sa pagkakaroon ng regular na meeting at pagpapatupad ng mga nakapaloob sa MPA plan. Dapat ding mapalakas ang mga Bantay Dagat at magkaroon ang mga ito ng mahusay na ugnayan sa mga barangay officials upang malabanan ang paggamit ng compressor sa pangingisda na nakakasira ng mga corrals. Sa sweldong P2,500, tinitingnan ang posibilidad ng pagtataas ng sweldo ng mga Bantay Dagat na nasa superbisyon ng Fisheries Division ng OCVAS. Inirekomenda and pagbili ng mga radio at rubber boat upang mapalakas ang logistics at iminungkahi rin ang buoy installation at pagpapagawa ng guardhouse.

Ayon kay Bar. Capt. Edmar Rieta, vice-chairperson ng Executive Committee, nawawala na ang buoy sa mga MPAs kayat dapat malagyan ang mga ito ng mga signages at magkaroon ng information campaign upang mapalawak ang public awareness at suporta sa pangangalaga ng mga MPAs na ito. Iminumungkahi rin na magkaroon ng isang ordinansa ang lungsod na nagbabawal sa paggamit ng compressor sa pangingisda.

Samantala, nagkaloob ang Malampaya Foundation , Inc. sa VISMB ng mga kagamitan para sa disaster preparedness at first aid kagaya ng spine board, first aid kit, padded splints, spider strap, life vests, throw bag 30 meters, rescue tubes at poncho.(PIO Batangas City)