De la Paz Pulot Itaas kaunaunahang drug-free barangay sa lungsod

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY. Idineklara ng Batangas City Police ang De la Paz Pulot Itaas bilang kaunaunahang drug-free barangay sa lungsod matapos itong sumunod sa mga batayan na itinakda ng Dangerous Drugs Board (DDB) .

Ang Cetificate of Drug- Cleared Barangay ay iginawad kaninang umaga (Februray 23) sa De la Paz Pulot Itaas ni Batangas City PNP Chief, PSupt Wildemar Tiu, Idel Perez, kinatawan ni Mayor Beverley Dimacuha at ilang miyembro ng PNP Advisory Council.

Ang barangay ay dumaan din sa clearing process na isinagawa ng Provincial at City Police Station, at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan may 27 drug surrenderers dito noong 2016.

Ang mga ito ay sumalim sa iba’t ibang gawaing itinaguyod ng PNP at PDEA upang tulungan silang magbago tulad ng community service, counseling sa kanila at kanilang pamilya, at spiritual transformation activities.

Bilang patunay ng pagiging drug-cleared barangay, nagdikit ang kapulisan ng sticker na may nakalagay na “Drug Free Home, For A Better Philippines” sa 104 kabahayan dito.

Binati ng police chief at Perez ang mga opisyal ng barangay sa pakikipagtulungan ng mga ito sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga. “Sana po ay patuloy nating bantayan ang barangay at tulungan natin sila sa tuloy tuloy na pagbabago,” ayon kay Tiu.

Labis naman ang pasasalamat ni Barangay Chairman Benita Zapata sa programang ito ng PNP at pamahalaang lungsod. (PIO Batangas City)