Isa na namang kilalang shopping mall itatayo sa lungsod

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY-Pinangunahan nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha ang ground- breaking ceremony ng Walter Mart shopping mall sa dating lugar ng National Lumber sa brgy. Calicanto.

Ito ang pang 24 na Walter Mart sa bansa at pang-apat naman sa lalawigan ng Batangas, kung saan mayroon nito sa Tanauan, Balayan at Nasugbu.

Nakatakdang magtayo pa ng branches nito sa anim pang probinsya sa bansa. Ang mall na nakatakdang buksan sa Mayo 2019 ay isang 3-storey building na may multi-leveled parking area na kayang maglaman ng mahigit sa 200 sasakyan.

Mayroon ditong Abenzon Home Appliances, Ace Hardware, Home Plus at Supermarket Ayon kay VP and General Manager for Walter Mart Community, Jojo Guzman, mas inuna nila ang konstruksyon ng mall sa Batangas City kaysa anim pang lalawigan dahil nakita nila ang business- friendly environment ng lungsod. “We felt most welcome in Batangas City,” ayon kay Guzman.

Sinabi rin niya na mararanasan ng mga taga lungsod ang “signature brand and convenient, fun-shopping” na ibibibigay ng Walter Mart sa kanilang mga customers. Tiniyak rin niya ang kanilang suporta sa mga proyekto at programa ng pamahalaang lungsod. Ang proyektong ito ay magbibigay ng trabaho sa may 300-400 Batangueño.

Pinasalamatan naman ni Mayor Dimacuha ang opisyal ng Walter Mart at napiling pagtayuan ng kanilang negosyo ang lungsod at sa pagiging propesyunal ng grupo. “We welcome new investors, businesses in the city. Businesses will give higher revenues and employment,” dagdag pa ng Mayor.

Sinabi rin niya na basta kumpleto ang requirements ay mabilis ang proseso ng application para sa permit. Dapat din aniyang ipagbigay alam sa kanila ang sinumang gagamit ng kanilang pangalan para manghingi ng pera o para sa anumang ilegal na transaksyon.

Samantala, isinagawa na rin ang ground breaking ng ShopWise sa Batangas City Grand Terminal noong nakaraang linggo. (PIO Batangas City)