Batangas City PNP pinalalakas ang crime prevention campaign sa barangay

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

BATANGAS CITY- Bilang bahagi pa rin ng kanilang crime prevention campaign sa pamamagitan ng public information and education, nagsagawa ang Batangas City PNP ng pagpupulong ng mga barangay officials at mga presidente ng mga home owners associations sa barangay ng Alangilan noong January 30.

Tinalakay ni PSI Glenda Cleofe ang mga pangunahing krimen tulad ng homicide, murder, physical injury rape, theft at robbery at car/motornapping.

Ayon sa mga presidente ng homeowners associations, pangunahing problema sa kanilang lugar ay ang nakawan kayat mahalaga sa kanila ang magkaroon ng ganitong pagpupulong upang mabigyan sila ng mga kaalaman kung papaano maseseguro ang kaligtasan ng kanilang mga tahanan at maiwasan ang iba’t ibang krimen. Kasama rin sa tinalakay ang drug abuse at illegal gambling.

Sa magkasunod na araw ginanap naman ang drug symposium at community anti-terrorism awareness lecture sa Pinamucan National High School kung saan mahigit na 316 na junior/senior students ang mga dumalo. Dito tinalakay ni Daisy Ocampo, DARE PNCO, ang salient features ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, nag organized ang Rotary Club of San Pascual ng isang dental and optical mission sa Barangay Sta Rita Aplaya katuwang ang Batangas City Dental Chapter at Batangas City Police Station noong January 31. LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO Batangas City