First Gen namigay ng flyers tungkol sa paghahanda sa kalamidad

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Nagkaloob ng 5,000 kopya ng flyers ukol sa paghahanda sa iba’t ibang kalamidad ang First Gen sa pamahalaang lungsod ng Batangas upang makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mamamayan kung papaanong maghanda at mag responde sa mga kalamidad at emergencies para sa kanilang kaligtasan.

Ang mga ito ay tinanggap nina Mayor Beverley Dimacuha at City Disaster Risk Reduction and Management Officer Rod dela Roca mula sa mga kinatawan ng First Gen na sina AVP for External Affairs and Security Darby Garcia, Security Manager Bernie Matibag at Community Relations Staff, Niña Guno.

Ang mga flyers ay naglalaman ng mga impormasyon at gabay sa paghahanda kung may bagyo, lindol, landslide,sunog, tsunami, thunderstorm, climate change, tornado at mga kaalaman sa pagsasagawa ng earthquake drill sa mga paaralan at establisyimento.

Layunin ng First Gen na makatulong sa pagpapalakas pa ng kahandaan ng lungsod sa kalamidad kung saan ito ay bahagi ng kanilang corporate social responsibility.

Ayon kay Dela Roca, noon pa man ay katuwang na ng pamahalaang lungsod ang First Gen sa pagtataguyod ng iba’t ibang programa sa disaster preparedness kagaya ng pagtatayo ng ALERT Center sa barangay Bolbok, coastal clean-up at tree planting activities.

Sinabi rin ni Dela Roca na pinag-aaralan rin ng First Gen ang kanilang proposal na magkaroon ng evacuation center sa barangay Sta. Rita Aplaya. “Kailangan natin ang kanilang tulong sa purchase of lots at construction ng building,” dagdag pa ni Dela Roca. (PIO Batangas City)