PSL, muling bumisita sa lungsod

  1.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Muling nagpakitang-gilas ang mga sikat at magagaling na female volleyball players ng bansa sa muling pagdayo ng Chooks-to-Go Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix noong ika-25 ng Nobyembre sa Batangas City Sports Center na sinaksihan ng libo-libong volleyball fanatics ng lungsod.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga Batangenyo sa mga itinuturing na makabagong mga idolo sa larangan ng volleyball.

Pinangunahan ito nina Mika Reyes ng Petron, Kim Dy at Abby Maraño ng F2 Logistics, Jaja Santiago at Dindin Manabat ng Foton at ang mga nagtatangkarang “imports”mula sa iba’t-ibang mga bansa.

Malugod namang tinanggap ng lungsod ng Batangas sa pangunguna ni punonglungsod Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Marino ang mga manlalaro.

Sa unang laban, pinadapa ng Petron ang Iriga City sa straight sets sa mga score na 25-12, 25-15 at 25-22.

Naging dikdikan naman ang pangalawang laro sa pagitan ng Foton Tornadoes at F2 Lady Spikers na ikinatuwa ng mga manonood.

Kinopo ng F2 ang unang set sa score na 25-17 samantalang nakabawi ang Foton sa 2nd and 3rd sets sa mga score na 32-30 at 25-9. Muling bumalikwas ang F2 sa ikaapat na set sa likod nina Kim Dy at setter Kim Fajardo sa score na 25-20. Sa huling set halos tabla pa rin ang 2 koponan subalit nanaig ang Foton sa score na 16-14.

Dahil sa panalo ng Foton at Petron, at sa pagkatalo ng F2, isang 3-way tie para sa liderato na may pare-parehong 6-1win-loss record.

Samantala, ito ang ika-3 beses na pagbisita ng PSL Grand Prix sa lungsod at ayon sa mga organizers, masusundan pa ito ng maraming partnership sa pagitan ng PSL at ng Batangas City Government. (PIO Batangas City)