Samahan ng mga Muslim nag oath-taking kay Mayor Dimacuha

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

BATANGAS CITY – Nanumpa sa kanilang tungkulin sa harap ni Mayor Beverley Dimacuha ang mga bagong halal na opisyales ng Islamic Daa-wa Guidance Muslim Community Foundation Inc. sa OCVAS Conference hall noong November 23.

Nanumpa rin kay Mayor Dimacuha ang Board of Directors at iba’t ibang mga komite.

Sa mensahe ni Dimacuha, sinabi niyang ang pagiging lider ay hindi lamang isang titulo kundi isang responsibilidad. Naalala niya rin ang mga pangaral sa kanya ng kanyang mga magulang na ang isang halal na opisyal ay hind dapat pagsilbihan bagkus ay dapat magsilbi sa bayan.

Ang mga nanumpang opisyales ay ang sumusunod: President - Alinor M. Alexander VP Internal - Mansawi I. Mohammad Said VP External – Aminodin S. Paramata Secretary – Fahmie M. Canayao Treasurer – Johary B. Hadji Sarip Auditor – Mansawi T.H. Nasser PRO - Mosaiden C. Datuimam Business Mgr. - Johary M. Ampaso Sgt. At Arms - Alex Gagil Administrator - Ustadz Nasroden D. Michadal Ang outgoing president na si Basher M. Sultan ay naging chairman ng board of directors.

Sa mensahe ni Abdulnasser C. Tampugao, nagpasalamat siya sa malaking tulong pinansyal na ipinagkaloob nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa mga kapatid nila sa Marawi.

Dumalo din sa nasabing oathtaking sina Cong. Marvey Mariño, Bokal Claudette Abida Alday, Prov. Administrator Levi Dimaunahan, Dr. Al Aleem Patani S. Abdulmalik, Aleem Mansawe Mimbala, at Hadji Faisal Bansao. (Alvin M. Remo, PIO Batangas City)