Forum on Asean isinagawa ng PIA Batangas

  1.jpg 2.jpg

LIPA CITY - Nagsagawa ng forum ang Philippine Information Agency (PIA) Batangas province sa pangunguna ni Mrs. Bhaby de Castro tungkol sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) upang mapalawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa samahang ito. Ito ay isinagawa sa Anfa Hotel, Lipa City noong November 22.

Sa mensahe ni Carlo Gonzaga, PIA 4A assistant regional director, ibinahagi niya ang kaunting background ng pinagmulan ng ASEAN na nabuo noong August 08, 1967 sa Bangkok, Thailand. May sampung bansa ang miyembro nito ngayon kabilang na ang Pilipinas. Ito ay may temang,”ASEAN @ 50: Partnering for change, engaging the world”.

Tinalakay naman ni Kier Gideon Paolo M. Gapayao, information center manager –PIA Rizal, ang Freedom of Information. Aniya, karapatan ng isang Pilipino na magkaroon ng access sa mga impormasyon, mga tala at mga pampublikong dokumento. Bagamat ito ay hindi pa ganap na isang batas, may Executive Order No. 2 na pinirmahan si Pangulong Rodrigo Duterte noong July 23, 2016 kung saan mayroon ding limitasyon sa pagbibigay ng mga impormasyon kung manganganib ang national security, public protection at confidential files.

Sinabi naman ni Marissa Argente, OIC Prov. Director ng Dept. of Trade and Industry (DTI) Batangas. na positibo ang epekto ng paghohost ng bansa sa ASEAN. Dahil ito sa mga innovations, digital works, gender equality, respect for intellectual rights at mentoring succesful business.

Dumalo sa nasabing forum ang mga barangay at local officials ng probinsya ng Batangas at mga frontliners. (PIO Batangas City)