TINGNI: Kinilala ng pamahalaang lungsod ang mga natatanging pamilyang Batangueno sa ibat-ibang larangan sa selebrasyon ng 31st National Family Week noong September 28.

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

 

TINGNI: Kinilala ng pamahalaang lungsod ang mga natatanging pamilyang Batangueno sa ibat-ibang larangan sa selebrasyon ng 31st National Family Week noong September 28.

Sila ay sina Ma. Mercedes Macatangay ng barangay Banaba West, Evelyn Sanchez ng Soro-soro Ibaba at Vilma Evangelista ng Haligue Silangan bilang mga Natatanging Solo Parent.

Naitaguyod nila ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng paglalabada, pag-aalaga ng baboy, pagtatanim at pagtitinda ng prutas.
Sa larangan ng agrikultura, ginawaran ng parangal sina Rufino at Cresencia Manalo ng barangay Talumpok West at sina Regino at Crisanta Macalalad naman ng barangay Ilijan.

Pagsasaka ang kanilang naging puhunan upang maitaguyod ang edukasyon ng kanilang mga anak.
Ang mag-asawang Amado at Teresita Manalo ng barangay Haligue Silangan ay kinilala naman dahil sa tagal ng kanilang pagsasama.
Mahigit 53 taon na silang nagsasama at nabiyayaan ng 11 anak at 25 apo.

Kinilala din bilang Pamilyang Batangueno na naging matagumpay na manggagawa sa ibayong dagat sina Hermenigildo at Miguela Delen ng barangay Conde Labac.

Si Ginoong Delen ay nangibang bansa ng mahigit 15 taon.
Binigyan din ng parangal si Gng. Cornelia Tolentino ng Talahib Pandayan na naging matagumpay sa larangan ng serbisyo.
Siya ay may 10 anak na naitaguyod sa pamamagitan ng pananahi.

Naibahagi din niya sa ibang kababaihan ang kanyang kaalaman upang magkaroon ang mga ito ng pagkakakitaan.
Ayon kay Social Worker Officer IV Prescilla Maullion, layunin ng pagbibigay ng karangalan sa mga nabanggit na pamilya na magsilbing inspirasyon ang mga ito sa iba upang magsikap na mapalakas at mapanatiling buo ang kanilang mga pamilya.

Ang naturang pagdiriwang na may temang “Pamilyang Pilipino: Pagtugon sa Nagbabagong Pananaw at Panahon” ay pinangasiwaan ng City Social Welfare & Development Office (CSWDO).

Dumalo sa nasabing okasyon sina OIC City Mayor Atty. Alyssa Cruz Atienza, Chairman on Committee on Family and Women na si Councilor Ched Atienza, KALIPI BOD Officers at mga Pangulo ng ibat-ibang barangay sa lungsoda at kinatawan ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (PIO Batangas City)