RDB2, inilunsad sa Batangas

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg


Ang RDB2 ay bahagi ng savings mobilization program ng national government na naglalayong maging abot-kaya ang government securities at maging accessible ang mga ito para sa mga retail investors at individuals.

Layunin din nito na makalikom ng pondo para sa mga priority projects ng pamahalaan at maisulong ang financial literacy and inclusion sa mga Filipino.
Binigyang diin sa naturang okasyon ang mga benepisyo ng RDB2 sa mga investors kabilang ang mababang panganib sa pamumuhunan, mas mataas na kita kumpara sa ibang USD term deposit instruments, abot-kayang minimum placement na USD $200.00 at tax assumption feature.
Maaaring mag-avail nito sa pamamagitan ng online channels and apps at over- the- counter transactions sa iba’t ibang branches ng Sellling Agent Banks sa bansa.
Mabibili ang RDB2 sa public offer period nito mula September 27 hanggang October 6.
Pagkatapos ng nabanggit na petsa, makaka-avail ng RDB2 sa mga secondary markets at sa halagang umiiral sa merkado at forex rates.
Ang launching ay pinangunahan nina Bureau of the Treasury Director, Naneth Diaz, OIC-Reg. IV A Director Atty. Dennis Madrigal, Batangas Provincial Head Ma. Concepcion Atienza, Development Bank of the Philippines Manager Jude Calamba, Metro Investment Corporation, Vice President Martin Marty.