TINGNI: Naghandog ng regalo ang Dental Division ng City Health Office (CHO) sa mga streetsweepers ng pamahalaang lungsod sa selebrasyon ng Family Day ngayong taon

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

TINGNI: Naghandog ng regalo ang Dental Division ng City Health Office (CHO) sa mga streetsweepers ng pamahalaang lungsod sa selebrasyon ng Family Day ngayong taon. Tumanggap ng oral health family package ang may 168 magwawalis ng lokal na pamahalaan bilang pasasalamat sa kanilang taos pusong pagseserbisyo.

Bukod sa mga ipinamahaging school supplies, namigay din ng raffle items ang nabanggit na tanggapan. Ayon kay Dr Love Cabral, bumibisita din sila sa ibat-ibang barangay upang magkaloob ng libreng oral prophylaxis sa mga Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Supply Point Officers (BSPO) kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng Family Day.