Continous support and building community resilience in the post pandemic Philippines

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

TINGNI: Nagtipon- tipon ang mga myembro ng Kabalikat Civicom Batangas City Chapter sa 2023 General Assembly, Election and Induction of Officers, Chartering, Elevation and Solemnization Rights noong August 6 sa covered court ng barangay Alangilan.

Ito ay pinamumunuan ni Chapter President Exequiel Dolor. Siya din ang nahalal na Vice-President ng Kabalikat Civicom Batangas Council.

Ang Kabalikat ay grupo ng mga indibidwal na aktibong nagraradyo at boluntaryong nagkakaloob ng tulong lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Naging panauhing tagapagsalita ang founder at national president ng Kabalikat Civicom na si Gil F. dela Torre
Nagpaabot din ng mensahe at pagbati sa samahan si Mayor Beverley Dimacuha.

Ang nasabing okasyon ay may temang: “Continous support and building community resilience in the post pandemic Philippines”.