Nagkamit ng unang pwesto ang Batangas City Civil Registrar’s Office (BCCRO) sa 2021 Outstanding Local Civil Registry Office sa rehiyon.

  1.jpg 2.jpg

Ang nasabing karangalan ay nakamit dahil sa mahusay na paglilingkod at maayos na pagpapatupad ng mga programa ng CRO.
Ilan sa mga ito ay ang OPLAN Kamalayan, mobile registration at Baysanang Bayan.
Binigyang puntos din sa naturang patimpalak ang maaga at ang kalidad ng mga isinusumiteng requirements at dokumento.
Nagsasagawa din sila ng mga patimpalak na naglalayong makapagbigay ng impormasyon hinggil sa mga bagong batas sa pagpapatala na kanilang ipinatutupad. (PIO Batangas City)