Naglakbay-aral sa Batangas City ang delegasyon mula sa pamahalaang bayan ng Tingloy noong July 12.

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Layunin ng nasabing pagbisita na alamin ang business permits and licensing process at iba pang programang ipinatutupad ng BPLO ng lungsod.
Ayon sa delegasyon, isa ang Batangas City sa mga lokal na pamahalaan sa bansa na may mahusay na proseso sa nabanggit na larangan kung kaya’t nais nila itong pag-aralan at iadapt sa kanilang lugar kaalinsabay ng pagpapalakas ng kanilang turismo.
Ang pagbisita ng delegasyon ay pinamahalaan ng City Tourism Office.