Police Community Relations Month, ipinagdiwang ng BCPS

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Bilang pagdiriwang ng 28th Police Community Relations (PCR) Month, nagsagawa ang Batangas City Police Station (BCPS) ng Legal Forum hinggil sa Issues and Concerns on VAWC, Rape and Mental depression sa Batangas City Sports Coliseum noong July 3. Nagsilbing panauhing tagapagsalita sa naturang okasyon si Mayor Beverley Dimacuha kung saan simabi niya na sinisikap ng kanyang administrasyon na mapanatiling maayos at ligtas ang komunidad at patuloy na isinusulong ang pantay-pantay na karapatan ng bawat isa.

“Hindi naming palalampasin ang anumang uri ng pang-aabuso, magkatuwang tayo sa pagpapanatili ng kaayusan at sa patuloy na pag-unlad ng lungsod ng Batangas” sabi ni Mayor.

Naging resource speakers naman sina Assistant City Prosecutor Atty. Marian Hermoso at BatMC Department of Psychiatry Officer III Dr. Pauline Valerie Mae Alday. Kaalinsabay ng nabanggit na forum ay ang paglulunsad sa anti criminality programs ng BCPS. Isa sa mga ito ay ang Peace Building thru Conflict Resolution kung saan sa tulong ng kapulisan ay sisikaping ayusin sa barangay level ang mga simpleng kaso. Hangad ng nasabing programa na mabigyan ng agarang solusyon ang problema para sa magandang ugnayan at kaayusan ng komunidad.

Inilunsad din ang Police Advisers and Liasons in Schools (PALS) kung saan ayon kay Batangas City PNP Chief PLtCol Diana DC Del Rosario, may itinalagang police officers o focal persons ang BCPS sa mga paaralan na siyang magha-handle ng mga issues and concerns ng mga mag-aaral, guro at iba. Sila ang tututok at titiyak sa katahimikan at kaayusan ng eskwelahan.

Ang ikatlo ay ang 3:00 Habit Against Crime na isang alert system. Tuwing alas-tres ng hapon, magpapadala ang BCPS ng mga messages, warnings at information tungkol sa mga modus operandi ng mga magnanakaw sa mga business owners para maiwasang mabiktima sila ng mga ito. Binigyang diin ni PLtCol de Rosario, ang mga kapulisan ay KA-BRAD- Kapulisan sa Batangas City, Responsible, Alerto at Disiplinado.

Nakiisa din sa selebrasyon si Cong. Marvey Mariño, mga kinatawan ng ibat ibang sektor kabilang na ang mga student leaders, business sector, Muslims brothers and sisters, religious groups, Barangay desk Officers at iba pa. (PIO Batangas City)