Hinandugan ng ibat-ibang awitin si Ms. Batangas City Foundation Day 2023- Franchesca Thamia Aquino sa “Harana” na ginanap noong July 14 sa People’s Quadrangle.

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagsilbing konsorte ni Thamia ang kanyang kapatid na si Jose Aquino III.
Isang tradisyunal na sayaw na “Carinosa” ang kanyang ipinamalas kasama ang mga mananayaw ng Likhang Sining Dance Company ng Marian Learning Center & Science High Schoo Inc.
Bilang sagot sa harana, umawit ng opera ang mga soprano singers na sina Bernadeth Baco at Angeli Benipayo.
Pinangunahan naman nina Mayor Beverley Dimacuha, Congressman Marvey Marino at Secretary to the City Mayor Atty. Reginald Dimacuha ang pagpuputong ng korona kay Ms Foundation Day 2023.
Nagpasalamat si Thamia sa pagkakataon at karangalang ipinagkaloob sa kanya at sinabing magiging mahalagang bahagi ng kanyang buhay ang pagiging Ms Batangas City Foundation Day 2023.
Bilang pasasalamat, binigyan ng pamahalaang lungsod si Thamia ng imahe ng Mahal na Patrong Sto Nino.
Nakiisa sa nasabing okasyon na isa sa mga highlight ng 54th Batangas City Foundation Day ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at Cultural Affairs Committee (CAC). (PIO Batangas City)