Best Float napanalunan ng BSU - The National Engineering University

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Tinanghal na Best Float ang entry ng Batangas State University - The National Engineering University sa float parade competition ng pamahalaang lungsod sa temang Sining at Kultura, ating Patingkarin. Tumanggap sila ng trophy at cash prize na P200,000.

Ayon sa Head ng Office of Culture and Arts- BSU Alangilan na si Luther Eroa, ang kanilang float na produkto ng maraming utak ay mosaic ng " customs at norms sa lungsod at simbolo ng innovation in technology and homage to Batangueño tradition".

Ikalawang gantimpala ang float ng Prime Energy Resources Development (Malampaya) na tumanggap ng P 150,000 at third prize naman ang SM City Batangas na nakakuha ng P 100,000.

Nagwagi ng 4th place ang Xentromall Batangas City na may premyong P 75,000 at 5th place naman ang Universal Robina na nagkamit ng P 50,000.

Labing-apat na floats ang lumahok kung saan sila ay nagpagalingan sa artistic creativity gamit ang mga indigenous materials at mga naggagandahang bulaklak.

Tumanggap ng consolation prize na P 10,000 ang float ng Asian Vision Batangas, Citimart Group of Companies, Soro-Soro Ibaba Development Cooperative, Westmead International School, Eternal Gardens Batangas City, Palawan Pawnshop, JG Summit, Lyceum of the Philippines Batangas at Wilcon Depot.

Lumahok sa parada sina Mayor Beverley Dimacuha, Congressman Marvey Marino at mga myembro ng Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Alyssa Cruz.

Ang parada ay nagsimula sa SM Hypermarket sa barangay Balagtas kung saan tumagpo ang mga streetdancers sa Capitolio papunta sa poblacion sa harap ng City Hall. (PIO Batangas City)