Public school pinaialakas ang kahandaan sa kalamidad

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

BATANGAS CITY- Isa sa mga public schools na pinapalakas ang kahandaan sa kalamidad ay ang Paharang Integrated School upang masiguro ang kaligtasan ng mga guro, estudyante at iba pang staff nito.

Sumailalim sa Climate Change and Disaster Risk Reduction Management at Gender and Development (GAD), Oct. 21, ang may 50 staff at faculty at 10 student leaders’ representatives ng city girl at boy scouts, student council at School Hazard Watching Team ng nasabing paaralan.

Naging trainors sila Marinelle Sawali, training officer I at si Gilda Godoy, planning officer IV g City Planing and Developmet Office.

Ayon kay Paulina De Torres, Ed. D. School Head, “mandato ng Dep Ed na kami ay sumunod at siguraduhing mabigyan ng maayos na seguridad ang mga estdyante at hindi namin ito magagawa kung wala kaming knowledge sa skills pag dating ng disaster. iba ang may alam at madaling umaksiyon kung may sapat na kaalaman.” Sinabi rin niya na parte ng kanilang kahandaan at school improvement planning ang EASE Program (Environment is Always Safe to Every One)

Itinuro ni Sawali, training facilitator ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), sa mga participants ang tungkol sa climate change, mga paghahanda sa bagyo, lindol at tsunami. (PIO Batangas City)