Batangas City Police kinilala bilang top sa Oplan Katok

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Tumanggap ang Batangas City Police Station ng Certificate of Commendation mula sa Batangas Provincial Police Office (BPPO) bilang Top Police Station sa overall accomplishment sa Oplan Katok mula January 1 hanggang June 30, 2019.

Ang commendation ay ipinagkaloob sa Monday flag raising at awarding ceremony ng BPPO noong October 21 sa Camp General Miguel C. Malvar kung saan ito ay tinanggap ni PMSG Ding Calalo CPSMU/Firearms Desk PNCO.

Ayon kay PMSG Calalo, may kabuuang 4,209 na mga firearms holders and kanilang nabisita sa ilalim ng Oplan Katok kung saan 461 ang nakapag renewed ng lisensya att 185 baril ang inihabilin sa police station para sa safekeeping. May 3,016 firearms holders and accounted habang 1.193 ang hindi ma locate and address.

Ang Oplan Katok ay isang PNP program kung saan nagsasagawa ng house-to-house visit ang mga pulis sa mga firearms licence holders na hindi pa nakakapagrenew ng kanilang lisensya upang makapag renew sila ng firearms permit o maisuko ang kanilang baril sa police vaults para sa safekeeping.
Ito ay alinsunod sa Republic Act (RA) 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act
kung saan sinasabi na lahat ng klase ng licenses to possess a firearm ay kailangang i renew tuwing ikalawang taon. Ang hindi makakapag renew ng lisensya sa araw o bago ang araw ng expiration ay mangangahulugan ng revocation o pagpapawalang bisa ng license at registration ng baril sa ilalim ng licensee.