Local disaster plan kailangang i standardize

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagsagawa ang City Disaster Risk Reduction and Managementr Council (CDRRMC) ng tatlong araw na seminar tungkol sa updating ng Batangas City DRRM Plan for 2016 noong Oct. 16-18, kung saan lumahok ang mga kinatawan ng mga piling city at national government agencies upang magkaroon sila ng kaalaman sa pagbabalangkas ng bagong Local DRRM Plan for 2020 (LDRRMP) na ayon sa standards ng National DRRM Plan.

Alinsunod sa Republic Act 10121, kinakailangang magkaroon ng LDRRMP na magsilbing isang stratehikong gabay upang maging resilient sa kalamidad ang isang local government unit (LGU). Ito ay naglalaman ng detalyadong impormasyon sa assessment ng hazards, vulnerabilities at kapasidad ng isang LGU, mga layunin, action plan at mekanismo sa monitoring at evaluation ng apat na theantic areas ng DRRM kagaya ng prevention and mitigation, preparedness, response at rehabilitation and recovery.

Kabilang sa mga tanggapang lumahok dito ang City Engineer’s Office, City Planning and Development, City Health, Public Information, Transportation Development and Regulatory Office, Local Economic and Investment Promotion Center (LEIPC), Office of the City Veterinary and Agricultural Services, City Social Welfare and Development, Budget, Information Technology, General Services Dept., Dept. of Interior and Local Government, Philippine Coast Guard, Batangas City Police, Bureau of Fire Protection, at ang staff ng CDRRMO.

Naging mga resource persons sina Atty. Diane Garcia ng Provincial Office of Civil Defense at Ms. Jennifer Rivera ng OCD Calabarzon. Ayon sa kanila, maaaring hindi magamit ang calamity fund ng 2020 kung hindi maa update ang LDRRMP alinsunod sa RA 10121.(PIO Batangas City)