- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kababaihang zumba dancers pino promote and healthy lifestyle sa mga kababaihan
- Details
- Monday, 18 March 2019 - 8:45:00 AM
BATANGAS CITY- Nagkasamasama ang mga grupo ng mga kababaihan na pawang mga zumba dancers sa isang event noong March 17 sa Marble Terrace Ground Provincial Capitol kung saan sila ay nag zumba bilang paraan nila ng pag promote ng healthy lifestyle sa mga kababaihan.
Bahagi rin ito ng kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso.
Hindi lamang pagsuporta sa karapatan at kapakanan ng mga kababaian ang layunin ng mga grupong ito kundi upang i promote ang physical fitness bilang advocacy nila para magkaroon ng healthy lifestyle ang mga kababaihan.
Bukod dito nagsisilbi ring civic groups ang mga samahang ito kung saan mayroon silang mga proyekto upang makatulong sa komunidad.
Kabilang sa mga grupong ito ay ang Indak Kababihan na nagdiriwang ng ika-5 taon anibersaryo, KALIPI, Barako Fitness Group at mga cluster barangay ng zumba group.
Ayon kay Bokal Claudete Ambida, ang Indak Kababihan ay kanilang sinimulan ni Bokal Bart Blanco noong siya ay konsehal pa ng Batangas City at kanilang ipinagpapatuloy hangang ngayon. “Layunin ko na isulong ang healthy lifestyle sa mga Batangueño at tulungan silang makaiwas sa mga sakit,” sabi ni Bokal Ambida.
Sinabi naman ni Bokal Bart Blanco na ang mga kababihan ang katuwang ng mga kalalakihan sa pang araw-araw na pag hahanap buhay kung kayat dapat panatlihing malusog ang kanilang pangangatawan.
Ipinabatid ni Epoy Sison, presidente ng Barako Fitness Group Plaza Mabini, na mas marami na ngayon ang sumasali sa pagsu zumba tuwing hapon. “Hindi lamang kalusugan ang aming tinututukan kundi nagsasagawa rin kami ng mga charitable works na tumutulong sa mga nangangailangan,” sabi ni Sison. Isa sa natulungan nila ang mga batang cancer patients na binigyan nila ng medical supplies at gamot sa pakikipagtulungan sa Cancer Warriors Foundation.
Bilang pagsuporta sa healthy lifestyle ni Mayor Beverley Dimacuha, itinalaga niya ang Public Infomation Office na mag operate ng sound system sa Plaza Mabini para sa mga zumba dancers.
Lubos naman ang pasasalamat ng Indak Kababaihan kay Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa suportang kanilang ibinibigay sa kanilang samahan.
Nakiisa rin sa pagdiriwang si Gov. Hermilando Mandanas at ang Team EBD na nagbigay ng mga pa premyo sa raffle.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.