Civil Registration Month 2019 ipinagdiwang

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Sa pagdiriwang ng Civil Registration Month ngayong Pebrero, nagsagawa sa ikaapat na pagkakataon ang City Civil Registrar ng patimpalak sa Sabayang Pagbigkas na may temang ‘Inclusive and Responsive CRVS: Working smarter through Innovation” kung saan lumahok ang siyam na public at private high schools sa lungsod.

Ito ay ginanap noong ika-27 ng Pebrero sa Batangas City Convention Center.

Tinanghal na kampeon ang mga mag-aaral ng Alangilan National Highschool. Nagkamit sila ng P 15,000, trophy, certificate at gold medals.

Ilan sa mga programa ng CRO na binigyang diin ng grupo ay ang Mobile Registration, Oplan Kamalayan, Oplan Tala Tama at ang karapatan at kahalagahang mapabilang.

Nanalo ng ikalawang gantimpala ang Paharang Integrated School na nakapag-uwi ng P 10,000, trophy, certificate at silver medals. P 5000, trophy, certificate at bronze medals naman ang nakuha ng third prize winner na Libjo National Highschool.

Naging batayan sa pagpili ng mga nagwagi ay ang nilalaman ng pyesa na kailangan ay orihinal, pagkakasabay-sabay at kasanayan sa pyesa, linaw at galing sa pagbigkas, malikhaing interpretasyon ng pyesa, estilo at galaw sa entablado at pangkalahatang dating.

Nagpaabot ng pagbati si Mayor Beverley Rose A. Dimacuha sa mga kalahok sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si LEIPC Officer Eric Anthony Sanohan.

Mapalad aniya ang naturang mga kabataan na mabiyayayaan ng oportunidad na magamit na instrumento sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.

Lubos ang kasiyahan ni City Civil Registrar Josie Maranan na muli nilang nakamit ang kanilang layunin na maipabatid sa publiko ang kahalagahan ng pagpapatala ng kasal, kapanganakan, kamatayan at iba pang aspeto ng pagtatalang sibil.

Dumalo din si Philippine Statistics Authority (PSA) Regional Director Charito Armonia kung saan lubos ang kanyang pasasalamat sa Batangas City CRO sa pagtulong sa kanilang ahensya sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa estadistika at civil registration sa pamamagitan ng naturang patimpalak.

Nakiisa din sa nasabing okasyon si Provincial Statistics Officer Raul Tolentino.

Samantala, kaugnay pa din ng pagdiriwang ng civil registration month, nagkaloob ng libreng serbisyo ang CRO sa mga kumuha ng birth, marriage at death certificate ngayong araw na ito.