Mayor Dimacuha at Cong. Mariño nagdala ng tulong sa mga nasunugan

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Bumisita at nagbigay ng karagdagang tulong sina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley
Dimacuha sa 13 pamilyang nasunugan sa Sitio Talon, barangay Kumintang Ilaya noong February 27, 3:00 ng hapon kasunod ng agarang pagtalima ng City Social Welfare and Development Office (CDWSO) at the City Disaster Risk Reductipn and Management Office (CDRRMO). Bukod sa food assistance, tents na matutulugan at iba pang gamit na kaagad ay dinala ng CSWDO at CDRRMO ay ipinamahagi nina Mayor at Congressman ang mga rechargeable electric fans na may ilaw para magamit ng mga biktima sa kanilang mga tents. Namahagi rin ng mga tsinelas, kumot, pinggan, kutsara, tinidor, mga gamit sa pagluluto kagaya ng kaldero , kawali at iba pa.

Hiniling nila sa mga barangay officials, CSWDO, CDRRMO at City Engineers Office (CEO) na magkaroon ng koordinasyon para sa iba pang assistance na maaring ipagkakaloob ng pamahalaang lungsod sa mga biktima kagaya ng mga constructions materials o supplies. Inatasan rin nila ang mga nabanggit na ahensya na bilisan ang pagpo-proseso ng mga kinakailangang dokumento para matulungan ang mga nasunugan na mapabilis ang pagpapagawa ng kanilang bahay.

Nagsagawa ng assessment interview sa mga biktima ang CSWDO at nagtalaga ito ng day care worker para magsagawa ng child development session araw-araw habang hindi pa nakakapasok sa eskwelahan ang mga bata. Nag inspeksyon naman ang CEO para sa pagsasaayos ng lugar at pagtatayuan ng pansamantalang palikuran. Nagsagawa rin ng medical check-up ang health workers ng City Health Office (CEO). Naghatid din ng tulong sa mga apektadong pamilya si Konsehal Aileen Montalbo.