Solar irrigation project ibinigay sa San Agapito upang mapataas ang agricultural production

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Matapos ang solar electrification ng barangay San Agapito, Isla Verde tumanggp naman sila ng Solar Powered Irrigation System mula sa Bureau of Soil and Water Management (BWSM) ng Department of Agriculture (DA) sa isang turn over ceremony, February 21, upang maisulong ang agricultural productivity ng barangay.

Ayon sa DA, layunin ng naturang proyekto na maipromote ang conservation at proper utilization ng soil at water resources ng bansa at bilang suporta sa mga magsasaka upang magkaroon ng sustainable productivity at profitable farming.

Ang operasyon ng naturang equipment ay pangangasiwaan ng Association of San Agapito Fisherfolks.

Ayon kay Engr. Pablito Malantac ng Office of the Provincial Agriculturist,ang San Agapito ang kauna-unahang barangay sa lalawigan ng Batangas na pinagkalooban ng nasabing proyekto. Magagamit din ang solar energy na ito sa mga itatayong waterworks projects dito

Sinabi naman ni Assistant City Agriculturist Flora Andal na ang solar powered irrigation system ay sa ilalim ng Organic Agriculture Program kung saan 75% ng solar pump ay gagamitin sa tanim ng mga magsasaka habang 25% naman ay para sa household.

Magsasagawa aniya ang Crops Division ng OCVAS ng series of training para sa mga residente ng barangay San Agapito hinggil sa organic vegetable production sa tatlong ektaryang lupain dito.

Dumalo din sa para sa final inspection ng proyekto si Jerson Bagador ng BWSM. (PIO Batangas City)