Public schools sa Batangas City lumahok sa 1st Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Naging maayos ang performance ng dalawang public schools na lumahok sa 1st quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill noong February 21, bandang 2:00 ng hapon kung saan ang scenario ay 7.2 magnitude-earthquake.

Ipinakita ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) ang kahandaan sa pamamagitan ng kanilang incident command system, pagkakaroon ng national disaster response plan signages at contingency plan. Seryoso ring ginawa ng mga estudyante ang duck, cover and hold sa kanilang paglabas papuntang evacuation center.

Isa sa naging puna sa kanila ng mga evaluators na nagobserba sa kanilang earthquake drill base sa nakahandang template, ay ang kalayuan ng evacuation center na nasa batangas city oval field sa may coliseum.

Kailangan ding gawan ng maraming exit gates upang madaling makarating ang mga tao sa evacuation area.

Naging maayos din ang ginagwang earthquake drill sa Bagong Silang Elementary School.

Katulong ng mga nasabing paaralan sa earthquake drill ang Bureau of Fire Protection, Philippine Red Cross Batangas Chapter, CDRRMO, PIO at City Social Welfare and Development Office.(PIO Batangas City)