9 na high schools magpapagalingan sa Search for Best Outfit Scounting Unit

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Siyam na paaralan mula sa 25 high schools sa lungsod ang kalahok sa Boyscouts of the Philippines (BSP) Batangas City Council – Search for Best Outfit Scouting Unit (2018-2019).

Ang mga ito ay ang Batangas National High School, Scuola Maria, Casa Del Bambino Emmanuel Montessori, Marian Learning Center and Science HS, TISISI Integrated School, Paharang NHS, Talumpok NHS, Sto Nino NHS at Conde Labac NHS.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsagawa ng patimpalak ang BSP Batangas City Council.

Ang mga batayan sa pagpili ng magwawagi ay ang membership, written exam, skills (knot tying-lashing), rank inspection at arrival honors.

Nagsilbing mga hurado sina BSP National Office Field Services Executive Janice Cartago, Moises Ramos Jr, CSE ng Rizal Council na si Janice Cartago at si Donato Magboo ng Batangas Provincial Council.

Ang mga mapipiling winners ay tatanggap ng cash prizes na mula P5,000 hanggal P15,000. Ang mga winners ay iaannounce sa Councilwide Jamboree na gaganapin sa El Sitio Filipino Camping and Teambuilding Center sa barangay Dumuclay mula ika-21-23 ng Pebrero.