Kultura ng Mindanao ipinakita sa CCP presentation Na PANAGHABI

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Naging isang learning experience sa mga piling guro mula sa mga public at private high schools sa Batangas City ang napanood nilang “PANAGHABI”, Weaving Mindanao’s Triumphs of Life na itinanghal sa Cultural Center of the Philippines noong Februry 15 kaugnay ng programa ng CCP na Ugnayan sa Sining.

Ito ay sa imbitasyon ng Batangas City Cultural Affairs Committee (CAC) sa mga guro bilang ang Lungsod ay itinuturing na cultural center sa Region 4-A dahil sa aktibo nitong pagpapalaganap ng local cultural development. Libre itong napanood ng mga guro sapagkat ang CAC ang nakikipag ugnayan sa CCP.

Ipinakita sa pagtatanghal na ito ang makulay na kultura at tradisyon ng Mindanao partikular ang sining ng paghahabi.

Ayon kay Hobart Savior, direktor ng Panaghabi, ginawa ang produksyong ito upang ipakita ang mayamang tradisyon at sining ng mga katutubo ng Mindanao.

Ilan sa mga performers ang Teatro Ambahanon, Kabpapagariya Ensemble at Kagten Blaan Performing Arts ng General Santos City, Mebuyan ng Davao City, Helobung Cultural Troupe ng Lake Sebu, Sining Kambayoka Ensemble, Ms. Maan Chua at Bayang Barrios.

Bukod sa CAC sa pangunguna ni Vice Chairman Ed Borbon, ang mga kasamang guro ay buhat sa Batangas State University, Golden Gate Colleges, UP ED Montesorri, University of Batangas, Westmead International School, Lyceum of the Philippines Uiversity of Batangas, Sunhill Montesorri at Saint Bridget College. (PIO Batangas City)