Halos 2,000 runners lumahok sa PATIKARUN 2019

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 1,750 runners na pawang mga elementary at high school students kasama ang mga adults ang lumahok sa PATIKARUN, Patikar para sa Kalikasan 2019 5-kilometer run noong February 16 kung saan ito ay nagsimula ng 5:00 ng umaga sa parking area ng Sports Coliseum.

Ang PATIKARUN na isinagawa sa ikalawang pagkakataon ng Batangas City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) at ng Youth for Environment in Schools Organization (YES O) ay naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at iba pang environmental laws at matuto silang sumunod sa mga batas na ito. Nagsisilbi rin Itong fund-raising project kung saan ang nalikom na pondo ay gagamitin sa mga proyekto ng YES O kagaya ng mangrove planting, Information Education Campaigns (IECs) at iba pa.

Ayon kay City ENRO Officer Oliver Gonzales, ang proyektong ito ay isang istratehiya upang tumaas ang kamalayan ng mga kabataan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at matutong isabuhay ang kamalayang ito sa iba’t ibang paraan.

Ginawaran ng medalya at sertipiko ang top three finishers sa tatlong kategorya kung saan nanguna si Mark CJ Bayer ng Sta. Rita sa elementary level; Jaycee Macapia, Talahib Pandayan sa secondary at Elmer Cueto sa adult divison. (PIO Batangas City)