80 indibidwal tumanggap ng cattle fattening projects

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

May 80 beneficiaries ang tumanggap ng cattle fattening project mula sa pamahalaang lungsod ng Batangas bilang bahagi ng livelihood program sa mga rural barangay.

Ang mga beneficiaries ay mula sa siyam na barangay tulad ng Banaba Center, Haligue Kanluran, Maapaz, Malibayo, Paharang Kanluran, Soro-soro Ibaba, Soro-soro Karsada, Sto. Domingo at Tulo. Sila ay pinili base sa isinagawang background investigation ng City Planning and Development Office (CPDO) kung saan ilan sa naging batayan ay ang lugar na pag-aalagaan ng baka, kaalaman sa pag-aalaga at kakayanang sa magbayad.

May laang P25,000.00 ang bawat beneficiary para sa pambili ng baka na kanilang mapipili. Sasamahan sila ng kawani ng CPDO sa pagbili ng baka sa susunod na linggo. Ang pahiram na halaga ay babayaran sa loob ng 3 taon na walang interest.

Sumailalim sa orientation-seminar ng cattle fattening project ang mga beneficiaries kasama ang kanilang mga co-makers sa Colegio ng lungsod Batangas (CLB) audio-visual room, February 8. Ang orientation ay isinagawa ng CPDO at Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) na silang nangangasiwa ng proyekto.
Dumalo dito si Mayor Beverley Dimacuha kasama ang Team EBD.

Ang cattle fattening project ay isa sa sustainable projects ng pamahalaang lungsod na sinimulan ni Mayor Eddie Dimacuha noong 1988 at ipinagpapatuloy ni Mayor Beverley Dimacuha. Sa loob ng 31 taon ng implementasyo nito ay may 2,300 baka na ang naipamahagi ng proyektong ito. (PIO Batangas City)